PREBILIHIYO AT HINDI KARAPATAN ANG PAGKAKAROON NG DRIVER'S LICENSE
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎❗
Nahaharap sa kaso ang isang tricycle driver matapos ang ilang beses nitong pagtatangka na takasan ang sinasagawang "Road Side Inspection" ng LTO Law Enforcers. Sa pagpapatuloy ng mausisang operasyon ng LTO Region 4A Law Enforcers sa paghuli sa mga motorista na lumalabag sa batas trapiko kaugnay ng Republic Act 4136. Isang tricycle driver ang apat na beses nagtangkang tumakas habang pinapara ng LTO Law Enforcers na nauwi sa mahabang habulan at pagbangga nito sa mobile ng LTO.
Nahuli ang nasabing drayber at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. Base sa mga beripikasyon na ginawa ng opisina. Natuklasang peke ang kanyang lisensya at paso ang rehistro ng kanyang dinadalang tricycle.
Mariing ipinauunawa sa publiko ang pag sunod sa batas trapiko at itinatatak sa bawat drayber ang mga responsbilidad na dapat gawin ng isang responsableng drayber. Isang paalala na "ANG LISENSYA AY HINDI ISANG KARAPATAN, ITO AY ISANG PREBILIHIYO LAMANG".
Mahigpit na ipinatutupad ng LTO Region 4A ang mga batas at mandato na ito upang siguraduhing ligtas at maayos ang ating mga kalsada. Hindi lamang para sa mga drayber kundi para sa lahat.
#LTO
#LTOPhilippines
#DOTrLTO
#LTOCalabarzonPH
Comments
Post a Comment